U"Magsasaliksik Sa Ibat Ibang Aspekto Ng Pandiwa 2013 Ihambing Ang Pagkakaiba Ng Bawat Aspekto At Magbigay Ng Mga Halimbawa Nito."

Magsasaliksik sa ibat ibang aspekto ng pandiwa – Ihambing ang pagkakaiba ng bawat aspekto at magbigay ng mga halimbawa nito.

Aspekto ng Pandiwa:

1. Perpektibo o Pangnagdaan

            Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay tapos na. Tinatawag din itong panahunang pangnagdaanan o aspektong naganap.

Halimbawa:

Nagpaalam kami kay Tiya Remy nang kami ay umalis.

Nagpirito ng isda si Tatay Kulas para sa aming pananghalian.

Si Rebecca ay nagkasakit ng malaria matapos magbakasyon sa kanilang probinsya.

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan

            Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap.

Halimbawa:

Hayan at umuulan na naman.  Marahil ay tuwang tuwa ang mga magsasaka sapagkat madidiligan na ang kanilang mga pananim.

Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog tuwing Sabado ng umaga upang matuyo ang uniporme ng kanyang mga anak bago mag Lunes.

Si Jon Jon ay nanonood ng paboritong niyang cartoons nang dumating ang kaniyang lola.

3. Kontemplatibo o Panghinaharap

           Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa. Ito ay gagawin pa lamang. Tinatawag din itong panahunang panghinaharap o aspektong magaganap.

Halimbawa:

Magagawa mo ba ang paglalagay ng mga inuminang tubig sa loob ng refrigerator?

Magbibigay ng pagsusulit ang mga guro bukas ng hapon kaya mahalaga ang pagdalo ng bawat mag aaral.

Aalis na si Inay at magtatrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang aming pag aaral.

Read more on

brainly.ph/question/73927

brainly.ph/question/236439

brainly.ph/question/541768


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Dalawang Kahulugan Ng Simuno At Panaguri

Sino Si Migel Lopez De Legazpe

Mahalagang Pangyayari Kabanata 22 Ng Noli Me Tangere