Paaano Makatutulong Ang Mga Natuklasan Mong Mga Sariling Pagpapahalaga Sa Pagtatagumpay Sa Gusto Mong Kurso Akademiko O Teknikal-Bokasyonal O Negosyo

Paaano makatutulong ang mga natuklasan mong mga sariling pagpapahalaga sa pagtatagumpay sa gusto mong kurso akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo

Ang natutuklasang sariling pagpapahalaga ay makikita mong malaki nag impluwensya sa bawat tao anumang ang edad o lahi. Nakakagawa ng pambihirang mga pasya ang isa dahil dito.

Ang ilang ay kukuha ng teknikal-bokasyonal dahil alam nilang sa maigsing panahon ay maaari na silang magkaroon ng trabaho, bagaman simple ay makakatulong na ito sa kanilang pinansyal. Ano ang dahilan? Baka nais na nilang tumulong sa kanilang pinansyal. Ang ilan ay piniling magpasimple ng buhay dahil sa ilang misyon. Ang lahat ng ito ay dahil naunawaan nila ang ilang higit na mahalaga sa buhay gaya ng pamilya, pagboboluntaryo o pagkakaroong ng kalayaan mula sa stress ng paaralan at kayamanan.

Ang ilan ay nagpapasya na magtayo ng negosyo dahil sa opurtunidad sa harap nila. Nahahawakan nila ang kanilang panahon, o mas may kalayaan sila. Mas nakakasama nila ang pamilya o di kaya naman ay dahil udyok mismo ng naunang henerasyon ng pamilya sa pagnenegosyo. Alinman dito ang dahilan nila, mayroong malaking kinalaman ang pansariling pagpapahalaga.

Isang mahusay na epekto sa sumusnod sa kanilang natuklasang pagpapahalaga ay ang pagkakontento, kaligayahan at nakaiiwas sa pagsisisi sa huli. Bakit? Hindi kasi nasasayang ang panahon sa pagkakamali, paulit-ulit sa simula at higit sa lahat ay ang paghahanap ng isa sa tunay na mahalaga sa kaniya.


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Dalawang Kahulugan Ng Simuno At Panaguri

Sino Si Migel Lopez De Legazpe

Mahalagang Pangyayari Kabanata 22 Ng Noli Me Tangere