Opinyon Ng Kabanata 45 Noli Me Tangere
Opinyon ng kabanata 45 noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 45: Ang Mga Pinag - uusig
Opinyon:
Ang masasabi ko sa kabanatang ito ay likas sa mga Pilipino ang pagpapahalaga sa dignidad ngunit marapat na ang paniningil para sa kasalanang ginawa ay naaayon sa batas. Hindi maikakaila na si kapitan Pablo ay nawalan ng pagtitiwala sa batas dahil sa kalunos - lunos na sinapit ng kanyang mga anak. Ang kanyang anak na babae ay pinagsamantalahan ng kura at ang kanyang mga anak na lalaki ay kapwa dumanas ng matinding paghihirap at pasakit na naging dahilan ng pagkamatay nito. Ang mga bagay na ito ang nagtulak kay kapitan Pablo na suungin ang buhay ng isang rebelde o nakikipaghimagsikan. Tunay na napakahirap mabuhay ng matuwid kung ang mismong mga namumuno ang siyang nagpahirap at nagbigay sayo ng matinding pasakit.
Ang pasya ni Kapitan Pablo na pamunuan ang grupo na nagpaplano ng pagsalakay ay dulot ng mga masasakit na karanasan ng kanyang mga anak at bilang ama nais niya silang mabigyan ng katarungan. Ang kabanatang ito ay nagmumulat sa atin na ang pagkamit ng hustisya ay hindi naaayon sa paraan na nauunawaan ng tao. Kadalasan iniisip ng tao na kapag nakapaghiganti na siya sa masamang ginawa ng kanyang kapwa sa kanya ay magiging masaya na siya at payapa. Ngunit sa kaso ni kapitan Pablo na likas ang pagiging makatwiran, batid niyang kahit mapatay ang may sala ay magkakaroon pa din siya ng pananagutan at hindi rin matatahimik ang kanyang konsensya sapagkat hindi naman siya totoong mamamatay - tao.
Read more on
Comments
Post a Comment