Mga Tauhan Sa Noli Me Tangere Kabanata 62.

Mga tauhan sa noli me tangere kabanata 62.

Noli Me Tangere:

Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Ang mga tauhan sa kabanatang ito ay sina:

  • Maria Clara
  • Crisostomo Ibarra
  • Padre Damaso
  • Linares

Si Maria Clara sa kabanatang ito ay kasalukuyang nasa loob ng kumbento. Doon ay dinalaw siya ni Padre Damaso na kanyang hinilingan na sirain ang kasunduan ng kanyang pakikipag - isang dibdib kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng kanyang amang si Kapitan Tiyago.

Si Crisostomo Ibarra ay ibinalita na namatay sa pagkalunod sa lawa sa kabanatang ito. Ito ang nagtulak kay Maria Clara na magpasyang pumasok sa kumbento na labis namang dinamdam ni Padre Damaso.

Si Padre Damaso ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Sa kabanatang ito ay mahihinuha na siya ang tunay na ama ni Maria Clara sapagkat wala siyang ibang nais kundi ang kabutihan ng dalaga. Kung siya ang masusunod ay hindi niya nais na pumasok ito sa kumbento kaya naman labis niya itong dinamdam. Dama rin niya ang labis na lungkot na bumabalot sa dalaga.

Si Linares ay ang binatang ipinagkasundo ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago na ipakasal kay Maria Clara matapos na si Ibarra ay mabalitaang namatay sa lawa. Siya ay pamangkin ni Don Tiburcio na nagpapanggap na manggagamot ng bayan ng San Diego.

Keywords: tauhan, kabanata 62 noli me tangere

Aral ng Kabanata 62 ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/549500

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Dalawang Kahulugan Ng Simuno At Panaguri

Sino Si Migel Lopez De Legazpe

Mahalagang Pangyayari Kabanata 22 Ng Noli Me Tangere