Mahalagang Pangyayari Kabanata 22 Ng Noli Me Tangere

Mahalagang pangyayari kabanata 22 ng noli me tangere

Noli Me Tangere

Kabanata 22: Liwanag at Dilim

Mahalagang Pangyayari:

         Sa kabanatang ito nasubok ang kabutihan ng puso ni Ibarra. Ang kanyang paggalang at kagandahang asal sa kura sa kabila ng pagiging lango nito kay Maria Clara ay kusang bumukal sa puso at isip niya sapagkat siya ay napalaki ng maayos ng kanyang mga magulang. Hindi man nakasama ni Crisostomo ng matagal ang kanyang mga magulang, naging maayos naman ang kanyang paglaki sapagkat siya ay nakapag aral at nahubog sa kabutihang asal. Kaya naman imbes na balewalain ang kura nagawa pa niya itong anyayahan sa gagawing piknik. Sa kabila ng kahilingan ni Maria Clara na isantabi ang kura, sinunod pa rin ni Ibarra ang laman ng kanyang puso.

        Sa kabanata ding ito nalantad ang mga hangarin ng tao para sa iba na maaaring mabuti o masama. Ang mga mabubuting hangarin sa kapwa ay tulad ng liwanag samantalang ang mga masamang hangarin naman ay maihahalintulad sa dilim. Si Padre Salvi ay nagnanais na makasama sa piknik hindi dahil nais niyang makasama ang grupo ng mga kabataan kundi para bantayan ang kanyang sinisintang si Maria Clara. Sapagkat naninibugho siya kay Crisostomo Ibarra at nais niya na mabantayan ang kilos nito kapag kasama si Maria Clara. Ang puso niya ay puno ng pagnanasa para sa dalaga kaya naman sinamantala niya ang paanyaya na ibinigay ng binata.

Read more on

brainly.ph/question/1388874

brainly.ph/question/2135063

brainly.ph/question/2119860


Comments

Popular posts from this blog

Magbigay Ng Dalawang Kahulugan Ng Simuno At Panaguri

Sino Si Migel Lopez De Legazpe