Bakit Mahalaga Ang Values?
Bakit mahalaga ang values?
Answer:
Ang values o pagpapahalaga ay nagdidikta at ginagamit na basehan sa paggawa ng mga pasya at desisyon sa buhay na nagmumula sa labas ng tao. Ito ang naghuhusga at nagdidikta sa tao ng tama at mali.
Mahalagang magkakaroon ang isang tao ng magandang values o magandang pag-uugali at kaugalian sapagkat ito ang makakapagpabuti sa pagkatao ng bawat isa.
Kahalagahan ng Values
- Ang pagkakaroon ng moral values ay nagagamit natin sa pag-ibig, ang pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa, paggalang at pagmamalasakit.
- Nagkakaroon ng paggalang sa dignidad ng tao.
- Pagmamahal sa katotohanan at naglalayo sa anumang kasamaaan.
- Nagkakaroon ng katarungan t kapayapaan ng kalooban.
- Paggalang sa anumang pag-aari
- Napagbubuklod ang pamilya
- Nagkakaoon ng paggalang sa buhay
- Nagkakaroon ng kalayaan
- Nangingibabaw ang pagiging makadiyos
- Nagiging makatao
- Nangingibabaw ang paggawa ng kabutihan sa kapwa
- Nahuhubog ang mabubuti at magandang kaugalian
- Nahuhulma ang buong pagkatao
Karagdagang Kaalaman!
DALAWANG URI NG VALUES O PAGPAPAHALAGA
1. Pagpapahalagang Moral (Moral Values)
- Ito ay pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga na matibay na nagbibigay ng importansya sa buhay ng isang tao.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values)
- Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.
- Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
- Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin
Para sa karagdagan pang Kaalaman , magtungo sa link na;
Ibig Sabihin ng Values o Pagpapahalaga: brainly.ph/question/797667
Kahulugan ng Absolute Moral Values: brainly.ph/question/1094633
#LetsStudy
Comments
Post a Comment