Ano Ang Iyong Naramdaman Nung Nalaman Mo Ang Iyong Karapatan
Ano ang iyong naramdaman nung nalaman MO ang iyong karapatan
Noong malaman ko ang aking KARAPATAN masaya ako dahil para akong nakalaya sa isang bilangguan. Nalaman ko kasi na ang karapatang pumili ng tama at mali ay nakadepende pala sa mga batas ng Diyos hindi lang sa tao. Halimbawa, sa tao, ok lang na gamitin ang karapatan para gawin ang kahit anong bagay kahit mali na ito. Pero nalaman ko sa aking pag-aaral ng Bibliya na hindi pala ganoon ang tamang paggamit ng karapatan.
Ang totoo, ang karapatan ay maiiuugnay din sa malayang pagpapasya kung ano ang tama at mali. Oo, karapatan naman talaga nating piliin kung ano ang gusto natin. Pero napansin ko na kapag ginagamit ko ang karapatang iyon na gawin ang mga maling bagay ,napapahamak ako at nalulungkot ako sa mga resulta dahil doon. Talagang nakakadismaya.
Nalaman ko din sa Bibliya na ayaw pala ng Diyos na gamitin natin ang karapatang iyon para mapahamak ang ating sarili at ang iba. Dapat alam pala natin ang ating limitasyon. At ang mga limitasyong iyon ay ang mga batas ng Diyos na kapag sinunod natin talaga at totoong mapapabuti tayo.
Ngayon masaya ako sa tamang pagkaunawa ko sa tamang paggamit ng karapatan dahil napapabuti ako ganoon din ang mga tao sa paligid ko.
Comments
Post a Comment