Ano Ang Aral Sa Kabanata 42ng Noli Me Tangere?
Ano ang aral sa kabanata 42ng noli me tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 42: Ang Mag Asawang de Espadana
Aral:
Sa kabanatang ito matututunan na ang paggaling ng isang tao ay hindi nakasalalay sa donasyon na ibinibigay niya para sa simbahan sapagkat ang paggaling mula sa karamdaman ay nakasalalay sa laki ng kanyang pananampalataya. Tulad na lamang ng pagbibigay ni kapitan Tiyago ng donasyon sa simbahan upang mabilis na gumaling si Maria Clara. Bukod dito, nais din niyang ipabatid na hindi lahat ng nagsasabing siya ay manggagamot ay totoong manggagamot sapagkat merong mga taong sadyang mapagpanggap na tulad ng mag asawang de Espadana na dumating sa tahanan ng mga delos Santos upang gamutin ni Don Tiburcio si Maria Clara.
Nais din ni Rizal na ituro sa mga mambabasa na ang kapalaran ng tao kung minsan ay hindi ang kanyang inaasahan. Ang pagiging magkabiyak nina Donya Victorina at Don Tiburcio ay hindi nila pinalano. Ngunit dahil kinailangan nila ang isat isa, nagkaroon ng bunga ang kanilang pagkikilala. Dahil sa tumatandang dalaga na si donya Victorina, minabuti na niyang tanggapin si Don Tiburcio bilang kabiyak. Si Don Tiburcio naman ay napadpad lamang sa Pilipinas upang magtrabaho ngunit sa kasamaang palad ay nabalian ng buto habang nasa byahe kaya naman hindi nagtagal sa serbisyo.
Read more on
Comments
Post a Comment